Sinagot ko ito sa isang social network site ng tanungin ng isang network channel para sa kanilang pagbabalita. Pagbabago sa sistema ng Edukasyon ang sagot ko. Dahil sinasabi natin na sa KABATAAN ANG PAGASA NG BAYAN, marapat lamang na sa kanila ituon ang malaking pagbabago. Upang iyon ang maging pamantayan nila sa paglaki at maging maayos ang kinabukasan ng bayan.
Sa bata, ang una nating itinuturo sa preschool ay ang ABAKADA. Bago tayo pumunta sa ibang aspeto ng edukasyon, itinuro muna sa atin ang alpabetong Pilipino. Sa elementary, ang mga basic education tungkol sa Siyensa, Matimatika, Ingles, Sibika at Kultura ang itinuturo. At pataas ng pataas ang antas o level ng edukasyon kapag dumating ka na sa Secondary at tritiary level. Ito ang pinaka training ground ng isang tao sa buhay. Kumbaga sa mga militar at pulis, may PMA o PNPA na pinapasukan ng bawat militar at pulis bago sila isabak sa labas. Ganundin sa isang estudyante bago ito sumabak sa totoong laban ng buhay.
Marapat lamang na ang Edukasyon ang pagbutihin o tutukan ng ating gobyerno upang maging maganda ang paghubog sa mga kabataan. Nang sa gayon, maging maayos at maingat sila sa kanilang mga ikikilos. Maiiwasan nila ang mga pagkakamali ng kanilang mga magulang. Hindi matularan ang mga maling kilos at maling desisyon sa buhay. Kung sapat ang kaalaman ng kabataan, hindi malabong mangyaring umunlad ang bansa.
Sabi nga nang pangulo, taong bayan ang lakas nya. Kaya dapat habang bata pa lang pag ibayuhin na ang lakas na manggagaling sa taong bayan sa pamamagitan ng kabataan.
No comments:
Post a Comment